January 28, 2012.
Day 28: something you makes you really angry
Kapag may tumira saakin patalikod. Yung tipong trayduran. Saksakan.
Day 28: something you makes you really angry
Kapag may tumira saakin patalikod. Yung tipong trayduran. Saksakan.
Day 27: a person you wished lived closer and why
Si Lester Baylen. Kaklase kong lalaki. Magaling mag-gitara. Simple. Gusto ko syang maging best friend. Kaso, ang sungit nya saakin.
Gusto ko syang maging malapit saakin dahil nakikita ko sa kaniya yung kung sino ako. Parang salamin ko sya. babae ako, lalaki nga lang sya.
Day 26: 5 things you’re looking forward to
JS Prom. Napakahalagang gabi para saakin at para sa mga kamag-aral ko.
Problema. Marami akong problemang kinakaharap. Seryoso.
Exam. Kailangang maipasa ko to. Walangya.
Reunion. Kailngan kong magkapera at makapunta doon.
Wala na akong maisip. Pwede Problema nalnag ulit?
Day 25: a friend you have lost that you’re better off without/one you wish you had back
Lhina Abucejo. Best friend ko sya. Kaso, wala eh. Wala na. Kahit gustuhin kong maibalik yung samahan. Wala na talaga. Mas masaya sya sa ibang mga kaibigan nya eh.
Day 24: your favorite 10 people right now and why
Alex Sahagun
Mary Chris De Leon
Lester Anne Segovia
Patricia Babas
Enteng
Joie Nazaire
Lester Baylen
Jiro
Ian De Jesus
Shayne Herrera
Bakit sila? Simple lang, pinagkakatiwalaan ko sila. Pero yung iba, crush ko lang talaga. HAHAHAHAHAHA
Day 23: a month/year of your life when you were happiest and why
March 25-26, 2009. Retreat namin to, bago mag-graduation noong grade six. Sobrang saya. Ayoko nang magkwento dahil mas namimiss ko lang sila.
Day 22: how you judge intelligence
Hindi ako humahanga sa isang tao porket matalino sya sa loob ng paaralan.
Naniniwala akong, ang talino e nasa pag-akto yan. Nasa pananalita. At hindi sa subjects lang.
Day 21: everything you wish for in a significant other
Wish? Gusto ko lang naman e yung matanggap nila yung kagaguhan at kaabnormalan ko. Gusto kong matanggap nila kung sino ako kahit na wala naman talaga ako pakielam sa kanila.
Wala. Trip ko lang tanggapin nila ako para pa-gerl yung dating ng post na to.
Day 20: what you think makes someone beautiful
Sabihin nyo nang ipokrita ako, pero wala talaga akong pakielam kung gwapo o maganda yung isang tao, basta’t nakuha nya ang interes at respeto ko, maganda sya sa paningin ko.
Day 19: your thoughts on your family
Ano bang uri ng thoughts? Parangu-thoughts? Char.
Hindi perpekto. Hindi perpekto ang pamilya ko. HIndi kami perpekto. May kaniya-kaniya kaming mundo sa loob ng tahanan. May sigawan, may sagutan. Pero kadalasan, nagkakasunduan.
Minsan lang mag-usap-usap ang mga tao dito sa bahay. Para bang sinasabing, wag kang magulo dahil may mundo ako rito sa kwarto. Sasago yung isa, basta hindi mo ako pinakikielaman, hindi kita pakikielaman.
Noon, in denial pa akong hindi naman talaga perpekto ang pamilya ko. Ang tingin ko dati sa pamilya ko eh, masaya at walang problema. Kahit na alam ko naman mali ako. Yun kasi ang ipinamulat saakin ng parents ko at ng mga kapatid ko.